Lunes, Disyembre 20, 2021

DEATH PENALTY, NAIUNGKAT MATAPOS NG BRUTAL NA PAGPATAY SA MAGKAPATID NA MAGUAD



Source: Radyo Bida Kidapawan City

Usap-usapan ang isyu hinggil sa pag-ungkat ng death penalty matapos ang brutal na pagpatay ng magkapatid na Maguad. Nakakalungkot sa Radyo Bida ng Kidapawan City na itong estasyon na ito na pagmamay-ari ng Iglesiya Katolika, na pinangasiwaan ng Marist Brothers ng Notre Dame Broadcasting Corporation, Inc., na pawang hindi pinahalangahan ang turo ng Simbahan hinggil sa usaping death penalty. Kung tatanungin natin ang mga Marista na may-ari ng Notre Dame Broadcasting Corporation na Radyo Bida. Bakit naiungkat ang post sa Facebook hinggil sa muling pagbuhay ng death penalty? Kung alam niyo po na ang Simbahan ay tutol sa death penalty, bakit naiungkat ang ganitong isyu sa ating lipunan na may mga pangyayari patayan pati sa hinggil sa nasabing pagpatay sa sa magkapatid na Maguad na datapwat namang tinutulan ng Simbahan ang hinggil sa death penalty?

Narito ang post ng Radyo Bida ng pagmamay-ari ng mga Marista sa Simbahang Katolika:

Usapin tungkol sa Death penalty muling nabuhay sa North Cotabato kasunod ng Maguad sibling murder sa bayan ng M'lang

NORTH COTABATO - "ngipin sa ngipin, mata sa mata" 

Ito ang isa lang sa mga naging pahayag ng ilang mga taga North Cotabato kasunod ng malagim na pagpaslang sa magkapatid na Maguad kamakailan sa Bagontapay, Mlang, North Cotabato.

Kasabay ng kanilang pagdadalamhati sa sinapit ng magkapatid, ang mga Ina, ama, lolo, lola at iba pang mamamayan ng North Cotabato na nakapanayam ng Radyo BIDA ay halos karamihan pareho ang sentimyento, at ito ang mungkahing buhaying muli ang Death Penalty o parusang kamatayan.

Ayon pa sa ilan sa kanila, hindi maayos ang justice system ng Pilipinas kaya ay dapat lang na ibalik na ang batas dahil sa tagal ng pagtakbo ng mga kaso ng patayan sa bansa, anila tila nagiging trend na.

May iilan ding mamamayan na pabor dito pero ang nais nila ay dapat sumailalim sa due process o magsagawa pa rin ng malalimang imbestigasyon upang maiwasan ang mistaken identity.

Karamihan man ang pabor sa naturang batas bunsod ng kanilang galit sa brutal na pagpatay, may iilan pa ring hindi pumabor dito at umaasang makakamit ang hustisya sa makataong paraan anila sapat na ang pagkakakulong ng habang buhay para pagbayaran ang kanilang kasalanan.

Kasabay ng kanilang panalangin sa dalawang magkapatid na Maguad ay ang kanilang hiling na sana maghari pa rin ang kabutihan sa likod ng kasalanan.


Samakatuwid, kung ating sasagutin ang Simbahang Katolika, mariin po itong tinutulan hinggil sa sinasabi sa mga turo ng Simbahan patungkol sa usaping death penalty. Ayon sa Katesismo ng Simbahang Katolika, “Assuming that the guilty party's identity and responsibil­ity have been fully determined, the traditional teaching of the Church does not exclude recourse to the death penalty, if this is the only possible way of effectively defendi n g human lives against the unjust aggressor. If, however, non-lethal means are sufficient to defend and protect people's safety from the aggressor, authority will limit itself to such means, as these are more in keeping with the concrete conditions of the common good and more in conformity with the dignity of the human person. 
Today, in fact, as a consequence of the possibilities which the state has for effectively preventing crime, by rendering one who has committed an offense incapable of doing harm - without definitively taking away from him the possibility of redeeming himself - the cases in which the execution of the offender is an absolute necessity " are very rare, if not practically non-existent." (Katesismo ng Simbahang Katolika # 2267) at ayon sa Catholic Social Teaching na pinamagataang 'Evangelium Vitae', “This is the context in which to place the problem of the death penalty. On this matter there is a growing tendency, both in the Church and in civil society, to demand that it be applied in a very limited way or even that it be abolished completely. The problem must be viewed in the context of a system of penal justice ever more in line with human dignity and thus, in the end, with God's plan for man and society. The primary purpose of the punishment which society inflicts is "to redress the disorder caused by the offence.” (Evangelium Vitae,56) at kung ating babasahin ang isang Ensiklikal na ‘Fratelli Tutti’ na aniya, “There is yet another way to eliminate others, one aimed not at countries but at individuals. It is the death penalty. Saint John Paul II stated clearly and firmly that the death penalty is inadequate from a moral standpoint and no longer necessary from that of penal justice.There can be no stepping back from this position. Today we state clearly that “the death penalty is inadmissible”and the Church is firmly committed to calling for its abolition worldwide.”(Fratelli Tutti, 263) 

Sa madaling salita, tutol ang Simbahan patungkol sa usaping death penalty sapagkat ating babasahin ang mga sitas ng Biblia patungkol sa death penalty, si Kristo mismo ay biktima ng death penalty dahil sa pag-alala natin sa kanya sa pagpapako niya sa Krus, mababasa sa Ebanghelyo ni San Juan ( Juan 18-19 ; Maaari ring basahin ang ibang pang Ebanghelyo katulad ng Mateo 15 ; Marcos 15; Lucas 23). Kung si Manny Pacquiao pa ay pabor po siya sa death penalty ngunit ginagamit niya kadalasan ang Lumang Tipan na pinatunayan niya mismo na may death penalty na naganap sa mga pangyayari sa Biblia, ngunit ito ay maling interpretasyon lamang at kung ating susuriin ang Bagong Tipan ay biktima si Kristo ng death penalty.

Sa tanang dako, kung ating basahin ang Saligang Batas ng Republika ng Pilipinas ng 1987, ito po ay paglabag sa buhay ng bawat tao, aniya sa nasabing saligang batas, “No person shall be deprived of life, liberty, or property without due process of law, nor shall any person be denied the equal protection of the laws.” ( Article III, Section 1, Bill of Rights, 1987 Constitution of the Philippines.) Sa madaling salita, mahalaga ang papel ng bawat tao na ang lahat ay may karapatang mabuhay at walang sinumang tao ang kumitil sa buhay ng kapwa tao. Halimbawa, kung ikaw ay isang Alkalde ng Lungsod, ngunit may isang tao na nagnakaw ng pera sa bangko gayunpaman dahil sa pangyayaring ito ay agaf pinutulan ng Alkalde ang kamay ng isang tao dahil sa kanyang ginawang pagnananakaw ng pera.

Dahil diyan ay ito'y paglabag sa karapatang mabuhay na hindi dapat gawin ng isang Alkalde o sinumang tao dahil siya mismo ay tao lamang, at aniya ni Mayor Isko Moreno ng Maynila, “We will respect Human Rights as my personal belief.Diyos lang ang may karapatan kumitil ng buhay at hindi tayo papayag sa kung may mga sinong indibidwal ang aabuso.” at sabi naman ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates B. Villegas, hinggil sa usaping death penalty, “Sino ang hukuman? Tao. May tao bang hindi nagkakamali?... Paano kung matapos mabitay ay nakitang iba pala ang may kasalanan? Sorry na lang?” Kung pag-uusapan natin ukol sa Diyos, ay wala siyang limitasyon subalit ang may limitasyon lamang ay ang tao, ngunit ito ay walang nakakahigit sa lahat ng alam ng tao kaysa sa alam ng Diyos. Sa madaling salita, may alam ang Diyos ng lahat ng mga pangyayari sa mundong ibabaw dahil Diyos lamang ang nakakaalam sa lahat ng aspeto ng bawat buhay ng tao. 

Gayunpaman, hindi nararapat sa kasalukuyan ang pagkakaroon ng death penalty sa kasalukuyan ng ating bansa, datapwat nararapat lamang na isaalang-alang ang ‘restorative justice’ sa ating bansa at ang paglaban sa katarungan ang kailangan ng bawat tao at ang pagpapatawad ang pinakamahalaga sa atin dahil ito ay turo ng ating Panginoong Hesu-Kristo. Ang kailangan lamang ay pantay-pantay ang batas, pagpapatawad at hustisya ang kailangan ng bawat kapwa-tao.

May iba pang impormasyon hinggil sa usaping death penalty, maari ninyo suriin ang isyu ukol sa death penalty, sa pamamagitan ng referensya at mga impormasyon hinggil sa isyung ito:







Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Headline Features

THE SPLENDOR OF THE CHURCH – DIOCESE OF MARBEL POSITION REGARDING ON THE PLANNING OF MAGUAD FAMILY FOR PLANNING FOR THE REFORMING OF JUVENILE JUSTICE LAW & REVIVAL OF THE DEATH PENALTY

  THE SPLENDOR OF THE CHURCH – DIOCESE OF MARBEL POSITION REGARDING ON THE PLANNING OF MAGUAD FAMILY FOR PLANNING FOR THE REFORMING OF JUVEN...