Nagsimula na naman ang Simbang Gabi at Misa De Aguinaldo at marami na namang nominal Catholics ang tila nagsusulputan sa bawat sulok ng simbahan. Sa kabilang banda, tunay na nakakatuwang malaman na maraming nagbabalik loob sa Panginoon sa mga pagkakataong ito, gayunpaman, nakakalungkot kung hindi nila ito paninindigan. Dahil aminin man natin o hindi, marami sa kanila ang hindi masyadong maalam sa turo ng Simbahan. Gaya na lamang ng isang Social Media user na nasa ibaba na tinawag na 'Piattos' ang Ostia na siyang katawan Ni Kristo.
Marahil nagtatanong ang ilan, paanong naging katawan ni Kristo ang simpleng Communion Wafer?Ang sagot ay nakapaloob sa salitang 'Transubstantiation.' Mula sa pinagsamang salita na 'Trans' o pagbabago at 'Substance' na nangangahulugang' anyo o laman.'
Ang 'Transubstantiation' ay isang proseso na nagaganap sa misa tuwing consecration kung saan ang simpleng wafer o tinapay, pati na rin ang alak, ay nagiging Katawan at Dugo ni Kristo. At hindi lamang ito basta mga simbolismo, bagkus ito mismo ang Katawan at Dugo ni Kristo. Ang prosesong ito ay nagaganap sa tulong ng Espirito Santo at ng Pari na nagsisilbing tagapamagitan ni Kristo sa sanlibutan.
Kaya naman ipinagbabawal ng Simbahan ang paggamit ng Ostia, lalo na kung ito ay consecrated, sa pangmakamundong bagay. Gaya na lamang ng pagbubulsa nito upang ipatuka sa manok na pansabong o paggamit sa mga walang kabuluhang content sa Facebook at Youtube, o gawing katatawanan. Ang sinumang mahulihang gumawa nito ay maaring ma-excommunicate ng Simbahan.
Nawa'y magsilbing aral ang artikulong ito sa mga kabataang hindi alam kung gaano kasagrado ang Ostia.
#HugotSeminarista
Source: Hugot Seminarista
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento