BALITANG CFD | CFD WEBINAR NG CFD NATIONAL SINABOTAHE NG MGA HINDI KILALANG SALARIN
Oktubre 10, 2022 - Kahapon ng ika-siyam na Oktubre ng taong 2022 sa bandang mga kalagitnaan ng alas-diyes ng gabi sa hindi inaasahang pangyayari habang nagkakaroon ng question and answer portion sa Webinar na isinasagawa ng CFD National na ang kung saan ang speaker na ito ay ang CFD National President na si Ryan Mejillano.
Sa unang pagkakataon , may nakapasok na mga hindi inaasahang mga tao at habang nagkakaroon ng Question and Answer portion ay biglang sinabotahe ang Zoom meeting o ang webinar na nagpapakita ng mga pornographic content o kung ano-ano mga gagawin sa share screen. Subalit sa chat box nagkakaroon din ng gulo.
Isa sa mga puno't dulo nito sa pagkakaroon ng gulo ay ang mga nagngangalang ‘cody woodhams' ‘nathan jacks’ ‘Alex’ at may isang Russian na nakapasok sa Webinar ng CFD National na hindi nakapagrehistro sa naturang CFD Webinar ng CFD National na nais sirain o isabotahe ang webinar na ito.
Samakatuwid, agad namang pinatawag ni Talibong si Damaso upang papaalisin ang naturang apat na tao sa webinar upang maiiwasan na ang gulo ba aabot pa ito sa hindi inaasahan na maaring hahantong sa malaking kaguluhan.
At pinatawag ang mga staff at lalong-lalo na ang Punto por Punto Staff upang maging co-host sa naturang webinar upang makontrol ang mga pumapasok at lumalabas ng mga participants sa naturang webinar ng ginagawa ng CFD National.
Hindi ito ang unang pagkakataon na sinabotahe ng mga salarin ang naturang Webinar upang makapang-akit o gumawa lamang ng kaguluhan.
Sa katunayan nangyari ito sa mga iilang mga webinar at mga video teleconferencing na pareho pa rin ang pakay na sirain ang reputasyon ng webinar na naglalayon na para sa ikabubuti ng lahat. Ang tawag sa naturang ginagawa ay ang mga tinatawag na ‘Zoom Bombing’ sa katunayan hindi literal na tawag nito sa halip ay tinatawag ding sa terminong ‘Zoom Sabotage’ dahil sa pangyayari pananabotahe ng Zoom.
Ang ‘Zoom Bombing’ ay isang uri ng pangyayari na nagtataglay ng mga gawain sa mga webinar lalong-lalo na ang pagpapakita ng mga kung ano-ano mga gawain lalong-lalo na sa pagpapakita ng malalaswang mga bagay at maaring hahantong sa kamatayan.
Sisikapin ni Damaso na hindi na mauulit ang naturang pangyayari pero inaasahan nila na aayusin nila ang sistema ng Webinar upang hindi na mauulit ang naturang pangyayari at mas lalong hihigpitan ang Webinar para sa kaligtasan na rin ng iba.
Mas lalong pinapaalalahanan ng Catholic Faith Defenders National Chapter na huwag ibahagi ang Zoom Link sa publiko upang makaiwas sa ganitong pangyayari upang hindi na ito aabot sa gulo o kapahamakan.
Balita ni: Bro. NiƱo Gaton
Litrato: Catholic Faith Defenders - Office of the National President 2019-2025
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento