MGA TANONG NA PWEDE NATING GAMITIN KAPAG GINAMIT NG IGLESIA NI CRISTO 1914 ANG ROMA 16:16 – CFD Muntinlupa
APAT (4) NA TANONG NA PWEDE NATING GAMITIN KAPAG GINAMIT NG IGLESIA NI CRISTO 1914 ANG ROMA 16:16
Noong isinulat ni San Pablo ang Roma 16:16 ay HINDI PA LUMITAW ang Iglesia ni Cristo na tatag ni Felix Manalo kaya isang MALAKING KAMALIAN na eh proclaim na sila ang tinutukoy dito. Kaya malaking kasinungalingan talaga ito kung eh claim natin ang isang bagay na hindi naman para sa iyo.
Kaya narito ang apat (4) na katanungan na pwede nating gamitin laban sa Iglesia ni Cristo 1914 kapag ginamit nila at sinabi nila na sila ang nakasulat at tinutukoy sa Roma 16:16.
1. Ang Roma 16:16 ay isinulat ni San Pablo noong 57-58 A.D., ang ibig sabihin hindi pa lumitaw ang Iglesia ni Cristo na itinatag ni Felix Manalo noong 1914 sa Pilipinas. Ang tanong paano ninyo na masasabi Iglesia ni Cristo 1914 ito eh matagal na pala itong naisulat at samantalang lumitaw lang ang INC sa Pilipinas taong July 27,1914?
2. Sa pinakaunang sulat ni San Pablo sa mga taga Roma, sinabi niya na ang PANANAMPALATAYA ng mga unang “Cristiano” ay LUMAGANAP NA SA BUONG SANLIBUTAN (Roma 1:8).
Ito ay nangangahulogan na noong panahong iyon ay LUMAGANAP NA SA BUONG SANLIBUTAN ANG PANANAMPALATAYA NG MGA NAUNANG CHRISTIANO. ANG TANONG, LUMAGANAP NA BA NOONG PANAHONG IYON ANG ITINATAG NI FELIX MANALO NA “IGLESIA NI CRISTO”?
3. Ang mga ugali ng mga naunang Cristiano ay hindi tulad ng pag uugali ng Iglesia ni Cristo na itinatag ni Felix Manalo. Ang mga Christiano sa taga Roma ay tinuroan na huwag silang humusga o humatol sa mga taong kumakain ng kahit anong klase ng pagkain (Roma 14:3). ANG TANONG BAKIT ANG MGA MIYEMBRO NG IGLESIA NI MANALO AY MAHILIG MANGHUSGA O HUMATOL SA MGA KATOLIKO SA MGA PAGKAIN NA KINAKAIN NITO TULAD NG “DINUGOAN”?
Dagdag pa rito malinaw na sinabi ni San Pablo sa sulat niya na ang taong kumakain ng kahit ano at mga taong kumakain ng gulay lang ay PAREHONG TINATANGGAP NG DIYOS. Ang tanong, tinatanggap ba ng Iglesia ni Cristo 1914 ang mga katoliko na kumakain ng dinugoan? Hindi bat sinasabi din nila na walang kaligtasan ang mga taong hindi pumapasok sa kanilang relihiyon? Kung ang Diyos ay TINATANGGAP NIYA ANG MGA TAONG KUMAKAIN NG KAHIT ANO, sino itong mga myembro ng Iglesia ni Cristo para pagsabihan nila ang hindi nila myembro?
4. Ang mga Christiano sa taga Roma ay tinuroan na Diyos si Cristo, PERO ANG IGLESIA NI CRISTO NA ITINATAG NI FELIX MANALO AY TINUROAN NA “HINDI DIYOS” SI CRISTO KUNGDI SIYA AY ISA LAMANG NA TAO.
Ano ang sabi ni San Pablo sa mga taga Roma:
“To them belong the patriarchs, and from their race, ACCORDING TO THE FLESH, IS THE CHRIST, WHO IS GOD OVER ALL, blessed forever. Amen”(Romans 9:5)
ANG TANONG KUNG KUNG KINE CLAIM NILA NA SILA ANG TINUTUKOY SA ROMA 16:16 BAKIT HINDI ITINURO SA KANILA NA SI CRISTO AY TOTOONG DIYOS AT HINDI TAO?
Note: Ito ay mga katanungan lamang para sa INC 1914 na gumagamit ng Roma 16:16.
References:
Catholic Faith Defenders - Muntinlupa City. (2022,
September 14). MGA TANONG NA PWEDE NATING GAMITIN KAPAG GINAMIT NG IGLESIA
NI CRISTO 1914 ANG ROMA 16:16 – CFD Muntinlupa. Retrieved from The Splendor
of the Church:
https://thesplendorofthechurch.com/2022/09/14/mga-tanong-na-pwede-nating-gamitin-kapag-ginamit-ng-iglesia-ni-cristo-1914-ang-roma-1616-cfd-muntinlupa/
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento