Lunes, Agosto 15, 2022

“ANG HABA RAW NG PRAYERS TAPOS NAGFAFAST PA PO AKO AND SURE NA RAW KO NA SASAGUTIN NA RAW AKO NI LORD?” [PART 1]

“ANG HABA RAW NG PRAYERS TAPOS NAGFAFAST PA PO AKO AND SURE NA RAW KO NA SASAGUTIN NA RAW AKO NI LORD?” [PART 1]


Ni: Bro. Niño Gaton


Alam niyo Sister Mary Ann Sy ng Associate Pastor ng CCFI ni minsan nalilito na lang ako sa sinasabi ninyo na, “… ang haba raw ng prayers tapos nagfafast pa po ako and sure na raw ko na sasagutin na raw ako ni Lord?” Lubha akong nalilito sa mga sinasabi mo na sino yung tinutukoy mo sa binabanggit mo? At sa pagkakaalam ko, baka posibleng binabangga mo Sister ang Simbahang Katolika sa mga sinasabi mo po at hindi lang sa Simbahang Katolika kundi sa ibang relihiyon na gumagawa lalong-lalo sa mga Muslim. Lalong-lalo na mismo sa pagdarasal ng Rosaryo at higit sa lahat, may binabanggit ka sa sitas ng Bibliya na mababasa sa Ebanghelyo ni San Mateo kapitulo 6 bersikulo 5 hanggang 8, at lalong-lalo na binabanggit mo rin yung Mateo 6:7.


At ginagamit mo ang salin ng English Standard Version ng Mateo 6:7 na ganito ang nakasulat: “And when you pray, do not heap up empty phrases as the Gentiles do, for they think that they will be heard for their many words.” (Matthew 6:7 English Standard Version) ngunit bago natin panindigan sa sinabi ni Kristo ukol sa pagbabawal nga raw ng pagdarasal sa Santo Rosaryo at sa madaling salita ay pagbabawal sa pagdarasal ng paulit ulit ating ikumpara ang naturang salin sa ibang Bible Translation katulad ng New American Bible Revised Edition na ganito ang naturang bersyon ng Biblia na Bibliang Katoliko, “In praying, do not babble like the pagans, who think that they will be heard because of their many words.”(Matthew 6:7 NABRE) at ikumpara naman natin sa New King James Version,“ And when you pray, do not use vain repetitions as the heathen do. For they think that they will be heard for their many words.”(Matthew 6:7 NKJV). Ngunit kung aking panindigan ang aking sinasabi hinggil sa mahabang pagdarasal o pagdarasal ng paulit-ulit ay sa totoo lang ay ang salin ng New American Bible Revised Edition, sa edisyong Bibliang Katoliko ay nararapat na tama talaga at sa kasamaang palad, yung salin ng NKJV at ng ESV ay parehong mali ang pagkakasalin nito, at sa pagkakaalam ko lamang ay yung mga salin ng NKJV at ESV ay hindi tugma mismo sa orihinal na pagkakasalin na batay mismo sa orihinal na wika na ginagamit sa pagsusulat ni San Mateo sa naturang aklat sa banal na kasulatan. Kung buod ng kuwento hinggil sa turo ni Jesus ukol sa pagdarasal, ay ito ay pinapatungkol mismo sa mga Pagano o sa mga Hentil, dahil ang panahon ni Hesus kasi ay napakagulo lalong-lalo na napaliligiran siya ng mga Pagano, Pariseo at mga Hudyo, Saduseo lalong-lalo na ang kanilang lugar ay sa ilalim pa ng Imperyong Romano.



Kung si Bro. Duane Cartujano ang ating tatanungin ay ganito ang kanyang sagot sa naturang sinasabi bagama’t mahaba ito ay ating paiikliin at maari ninyong basahin ng mas mahaba, na ganito ang inilahad, “Anti-Catholics often use Matthew 6:7 when they repeatedly attack the Catholic prayers. They use the King James version because it contains “vain repetitions.” Liddell and Scott Greek-English Lexicon have this on the root: βατταλος= βαταλος. II. stammerer (cf. Battapizw), a nickname given to Demos thenes, Aeschin. 2.99, cf. D.18.180. (Codd. Vary between βάταλος and βάτταλος: Βάτταλος pr. N. in Hedyl. Ap. Ath.4.167d.) The New American Bible (Revised Edition) translates “babble” which interestingly captures some of the sound of the Greek.“In praying, do not babble like the pagans, who think that they will be heard because of their many words”(Matthew 6:7, NABRE).So etymologically, the word should mean something like “speak like a stammerer”.A Greek-English Lexicon of the New Testament and Other Early Christian Literature notes that the verb appears, apart from literature dependent on Matt 6:7 and Luke 11:2, only in the Life of Aesop and in Siimplicius (6th c.), meaning something like “talk idly.”According to Catholic Bible scholars, the Lord Jesus condemns prayers of Pagans. “He condemns the babbling prayer of the pagans, who think that they will be heard because of their many words. He is not criticizing persistence in prayer (see 7:7–11) or repetition, which is biblical and pleasing to God (Dan 3:52–68; Ps 136; Rev 4:8). Rather, Jesus condemns a common pagan practice of reciting divine names and formulas to implore the gods to act on their behalf” (The Gospel of Matthew (Catholic Commentary on Sacred Scripture) Edward Sri and Curtis Mitch, Baker Academic; 2nd in a series of 17 edition (December 1, 2010),p. 105).[1] 


At tandaan natin na ito ay kukunin sa aklat ni Bro. Nonoy Lopez sa kanyang aklat na ‘Araling Pambiblia para sa mga Katoliko, Volume 1’: “Sang-ayon si Jesus sa pagdarasal ng paulit-ulit na panalangin subalit ipinagbabawal ang walang kabuluhang paulit-ulit na panalangin.”[2] Gagamitin naman natin ang sulat ni San Mateo naman patungkol sa kanyang itinuturong panalangin ni Hesus sa mga mananampalataya na mababasa sa Mateo 6:9 na ganito ang binabanggit sa naturang bersikulo: “Ganito kayo mananalangin, ‘Ama naming nasa langit, sambahin nawa ang iyong pangalan.” (Mateo 6:9 MBB05) at ikukumpara naman sa sulat ni San Lucas ika: “And he said unto them, When ye pray, say, Our Father which art in heaven, Hallowed be thy name. Thy kingdom come. Thy will be done, as in heaven, so in earth.” (Luke 11:2 KJV) Tapos baka itinuturo rin ninyo sa mga kaanib ninyo lalong-lalo na sa mga Katoliko na nasa CCFI na inabisohan sila na bawal manalangin ng Our Father dahil hindi raw tatablan ng demonyo, at baka sakali na gagamitin mo naman ang kuwento hinggil kay Ma’am Melai Cantiveros sa totoo lang hindi ko sigurado na ginagawa niyo iyan at sa totoo lang si Ma’am Melai Cantiveros pa nga nagdadasal ng Rosary everyday. Sa totoo lamang, eh yung panalangin na Ama Namin ay itinuturo iyan mismo ni Hesus galing mismo sa kanyang bibig mismo letra por letra ang kanyang sinasabi hinggil sa sinusulat mismo ni San Mateo at Lucas.


Kung madadamay ang Rosaryo rito ay sinasabi ko na, ayon sa sinasabi ni Bro. Nonoy Lopez sa kanyang naturang aklat mismo: “Ang Rosaryo ay hindi isang walang kabuluhang paulit-ulit na panalangin. Sa Rosaryo, pinagninilayan at ipinagdiriwang ng Simbahan ang natatanging presensya ni Maria bilang huwaran sa mga misteryo ng pananampalatayang Cristiano mula sa pagkakatawang-tao ng Anak ng Diyos hanggang sa pagkakaloob ng Espirito Santo.”[2] At higit pa riyan ang pagdarasal ng Santo Rosaryo ay pinagninilayan natin ang mga kaganapan sa buhay y Hesus mula sa kanyang kapanganakan hanggang sa kanyang pagpapako sa Krus, para ka lang nanood ng paulit-ulit ng Bible Stories tungkol kay Hesus. O SEE! 


May pagpapatunay pa na hinggil sa pagdarasal ng mahaba lalong-lalo na kung ipinatutungkol mismo sa sulat ng Awit 136:1-26 at hindi ko na mailalahad kung gaano kahaba ang naturang bersikulo at sa ating obserbasyon ay halos paulit-ulit na rin ang naturang pangungusap sa Salmo na, “Ang pag-ibig ng Diyos ay pangwalang  hanggan at mananatili.” Sa kabilang dako ating gagamitin naman yung libro ni Bro. Nonoy: Tulad ito ng mapagpakumbabang panalangin ng isang publikano na dinadagukan ang dibdib habang sinasabi: “O Diyos, mahabag po kayo sa akin na isang makasalanan!” (Lc 18:13) Ang lalaking ito ay naging kalugod-lugod sa Diyos.Kaya hindi naman talaga labag sa alituntunin ng pananampalatayang Cristiano o ng Biblia kung ang isang mananampalataya ay manalangin ng paulit-ulit dahil ang mga taga-langit man ay walang tigil sa paggawa ng ganito araw at gabi: Walang tigil ang pag-awit nila araw-gabi:“Banal, banal, banal, ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat,Ang Diyos sa nakaraan, sa kasalukuyan, at siyang darating.” (Pahayag 4:8b) [2] Tapos nagsagawa kayo ng Praise and Worship diyan sa Service ninyo na maikukumpara naman natin sa mga Born Again mismo na ang lakas-lakas na hiyaw ng, “AMEN, LORD JESUS,” “HALLELUYAH”, “PRAISE THE LORD,” “THANK YOU LORD”, tapos ang lalakas ng banda at kung maikukumpara sa Simbahang Katoliko ay kay Fr. Archie Guriba na ang istilo na higit diyan na liturgical abuse. Sa misa paulit -ulit ding isinasagawa dahil ang misa ang highest form of worship na ginagawa pa ni Kristo sa Huling Hapunan. Tapos nagsabi pa kayo ng, “Pray without ceasing,” na mababasa natin sa unang sulat ni San Pablo sa Taga-Tessalonica kapitulo 5 bersikulo 17.



Ito ay ubod ng kapalpakan ng mga naturang paratang ng mga kapatid natin sa CCFI sa pagdarasal ng paulit ulit at samakatuwid, ang patungkol hinggil sa mahabang pagdarasal, dahil ang layunin ko rito ay maipalaganap ang ebanghelyo sa mga kapatid nating humiwalay sa Simbahan Katoliko na tatag ng ating Panginoong Hesukristo sa layuning makakabalik sila sa Inang Simbahan ang Simbahang Katoliko at magsilbing aral sa mga mananampalataya. 




Mga Reperensya  (na ginagamit sa artikulo na ito):


[1] 


Duane Cartujano, The Catholic Church has the Answer Vol. I (Quezon City, Philippines: Claretian Communications Foundation, Inc., 2018), pah. 237-240. 


Website:

Cartujano D. ( 2020, November 8) ARE ALL REPETITIVE PRAYERS CONSIDERED “VAIN REPETITIONS”? By Bro. Duane Cartujano [Blog post] Retrieved from https://thesplendorofthechurch.com/2020/11/08/are-all-repetitive-prayers-considered-vain-repetitions-by-bro-duane-cartujano/


[2] 


Nonoy Lopez, Araling Pambiblia Para Sa Mga Katoliko Vol. 1 (Quezon City, Philippines: Claretian Communication Foundation,Inc., 2021),155-158.


Website:


Lopez N.  ( 2017, January 11) Ang Rosaryo: Paulit-ulit na Panalangin? [Blog post] Retrieved from https://nonoylpz.wordpress.com/2017/01/11/ang-rosaryo-ay-walang-kabuluhan/


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Headline Features

THE SPLENDOR OF THE CHURCH – DIOCESE OF MARBEL POSITION REGARDING ON THE PLANNING OF MAGUAD FAMILY FOR PLANNING FOR THE REFORMING OF JUVENILE JUSTICE LAW & REVIVAL OF THE DEATH PENALTY

  THE SPLENDOR OF THE CHURCH – DIOCESE OF MARBEL POSITION REGARDING ON THE PLANNING OF MAGUAD FAMILY FOR PLANNING FOR THE REFORMING OF JUVEN...