Alin ang itinayo ni Cristo na iglesia o iglesia ni Cristo? Paano natin malalaman ang mga totoong aral sa Biblia?
Ito ay mahalaga at timely na pagusapan in light of the news may isang katolikong pari na gusto daw mamatay na isang miembro ng IGLESIA ni Cristo (1914).
Batay dito makikita na kahit isang pari naCONFUSE at naniwala sa pambabaluktot ng mga ministro ng INC. Kung Pwedeng maligaw ang isang pari ng lingkod ng Dios eh Di hamak na mas malaking chance na ang mga ordinaryong meyembro ng IGLESIA KATOLIKA na maligaw at maloko. Mapanganib talaga ang mga mapanghikayat na linkod ni taning!
Paano ba natin malalaman ang TOTOONG IGLESIA na kay Cristo Jesus?
1. Historical approach: Si Cristo ay totoong persona na isinilang sa daigdig, ibig sabihin ay siya ay HINDI LANG bunga ng isip o galing sa opinion lamang. In short, ang KANYANG TOTOONG iglesia ay historical din. Ayon sa mga standard references, ang itinayo ni Cristo ay ang IGLESIA KATOLIKA.
2. Biblical: Ayon sa Biblia si Cristo nga ay nagtayo ng isang iglesia ayon sa Mateo 16:18. At noong bumaba ang Espiritu Santo, ang Iglesia na ito ay nagsimula nang gampanan ang misyon ibinigay at ipinagkatiwala sa mga apostol at discipulo na kumakatawan sa iglesia.
3. Nature of the church founded by Christ: Ayon sa Biblia ang IGLESIA na itinayo ni Cristo ay ibinigay sa kanya ang misyon para ipalaganap ang pagliligtas na kaloob sa pamamagitan ni ATING Panginoon Jesus. Ang extent o scope ay hindi lang isang parte Ng daigdig o isang nation lang lang, hindi lang mga Hudio o Pilipino lamang, kundi buong mundo. Sa makatuwid, global o Catholic ang spatial scope. At nangyari nga ang pagpapalaganap nito sa pamamagitan ng mga apostol. Kaakibat nito ay logically at maliwanag na ang tunay na Iglesia ay KAILANGAN laging existido, at hindi lamang sa unang panahon Cristiano o kaya’y sa “huling panahon” lang ulit, kundi kailangan tuloy tuloy mula noong unang siglo HANGGANG sa huling panahon. Ang Iglesia ito ay IISA lamang at ito ang IGLESIA KATOLIKA.
Basahin natin ang Biblia:
Mateo 28:18 “Lumapit si Jesus at sinabi sa kanila, “Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa.
Mateo 28:19 Kaya't habang kayo'y humahayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Mateo 28:20 Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.”
Tandaan po natin na sa pagbibigay ng Panginoon Jesus sa misyon ng IGLESIA ay kaakibat ang pagbibigay niya ng OTORIDAD na personal niyang ibinigay sa iglesia. Kasama na rin ang KANYANG assurance na sasamahan niya ang IGLESIA hanggang sa wakas ng panahon. Ang sinabi ni Cristo dyan sa talata ay HINDI “conditional” kundi ASSURANCE. Bakit niya sasamahan ang iglesia ? Para masigurado tagumpay at hindi maging failure ang mismong misyon ni Cristo na siyang ulo ng IGLESIA. Klaro yong pagiging isa ni Cristo sa iglesia; Ang Misyon, yong otoridad, pagsasama gaya ng katawan at ulo. Kaya kung “failure” ang IGLESIA eh lalabas na rin na failure si Cristo of course HINDI po failure si Cristo!
4. Ang IGLESIA na itinayo ni Cristo ay bumaba sa kanya ang Espiritu Santo. Una ay isang pangako mula sa ating Panginoon Jesus.
Basahin natin:
Juan 14:16 Dadalangin ako sa Ama, upang kayo'y bigyan niya ng isa pang Tagapagtanggol na magiging kasama ninyo magpakailanman.
Juan 14:17 Siya ang Espiritu ng katotohanan, na hindi matanggap ng sanlibutan sapagkat siya ay hindi nakikita ni nakikilala ng sanlibutan. Ngunit nakikilala ninyo siya, sapagkat siya'y nasa inyo at siya'y mananatili sa inyo.”
Juan 16:13 Ngunit pagdating ng Espiritu ng katotohanan, papatnubayan niya kayo sa lahat ng katotohanang galing sa Diyos. Sapagkat ang sasabihin niya ay hindi mula sa kanyang sarili, kundi ang kanyang narinig; at ipahahayag niya sa inyo ang mga mangyayari sa hinaharap.”
Sa mga talatang ito ay napakaliwanag na isinugo ni Cristo ang Espiritu Santo na siyang magtatanggol at gagabay sa iglesia na itinayo ni Cristo. Walang binabangit Ng Biblia na KAIBA sa iglesia na itinayo mismo ni Cristo na gagabayan din Ng Espiritu Santo o kaya’y sasamahan ni Cristo sa panahon Ng mga huling araw bago siya darating. Bagkus ang mga pangakong ito ay EXCLUSIBONG ibinigay lamang sa IGLESIA na naitayo noong unang siglo.
Wala din pong katibayan na nagpakita ang Panginoon Jesus kay Felix Manalo para siya ay bigyan Ng otoridad na mangaral, o kaya’y bumaba ang Espiritu Santo para siya ay gabayan sa katotohanan.
Ano po ba ang klaro na nangyari kay Felix Manalo? Siya po ay dating katoliko na mata gay Ng mga Protestante. Siya ay sumali sa iba’t ibang secta Protestante. Siya ay nalilito, dahil dito patuloy na litong lito sa mga aral kaya siya ay palipat lipat Ng relihion. Kaya naman siya ay naging frustrated. Siya ay nagkulong Ng tatlong araw ay pinag aralan daw niya ang Biblia. Sa kalaunan ay nagkaroon siya Ng kunklosyon na natalikod daw ang unang IGLESIA na itinayo ni Cristo.
Wala pong turo sa Biblia na ang pagbabasa Ng Biblia ay 100% na natatangin paraan para sigurado na ang unawa mo sa Biblia ay totoo. Si Felix Manalo ay kagaya lamang Ng iba pang tagpagtatag Ng mga kulto. SARILING unawa niya lamang ang kanyang mga turo.
Hindi po kaiba sa mga ibang secta o kulto ang INC 1914, ang kanilang tagapagtatag daw ay ang Panginoon Jesus mismo. Ito ang sanabi Ng Iglesia Filipina independiente, Mormon church o LDS, JW’s, at libo-libo pang iba.
Ang totoong iglesia ni Cristo ay si Cristo mismo ang personal na nagtayo , hindi sa pagiging lito na nagbunga ng frustration pagkatapos ay panghahawakan muna na ang personal na unawa mo ay ito na ang katotohanan. Madaming nagbasa Ng Biblia na nahulog sa ganitong patibong ni Satanas. Sila ay natayo Ng kanikanilang mga sekta o kulto. Si Muhammad, si Joseph Smith at Russell at Felix Manalo ay halos sakto ang kanilang storya. Naconfuse, nag self-isolate then viola! Sugo na sila at sila ay ginawang instrumento para irestore daw ang katotohanan.
Instead na hanapin nila Ang IGLESIA na itinayo ni Cristo, ang bunga ng kanilang SARILING kathang isip. Resulta nito ay nagtayo na sila Ng kanikanilang iglesia opposing the very church founded by Christ.
Sinabi nga ni San Pablo na ang IGLESIA Ng Dios ay siyang PUNDASYON AT HALIGI Ng Katotohanan (1 Timothy 3:15). Alam niya ang ibinigay na assurance ni Cristo sa iglesiang ito,na ito’y KANYANG sinasamahan sasamahan hanggang wakas ng panahon (Mateo 28:20). Kaya naman angdoktrina Ng Iglesia na ito ay makakasiguro tayo na totoo at galing sa Dios, hindi lang bunga ng sarili natin pagiisip o opinion lang din ng iba pa.
Ang IGLESIA na itinayo ni Cristo ay laging nandyan buhat ng ito ay itinayo PARA tayo ay gabayan sa katotohanan dahil siya ay ginagabayan ng Espiritu ng katotohanan. Kaya naman sinabi ni San Pablo sa mga taga Efeso:
“Mga Taga-Efeso 4:14 Nang sa gayon, hindi na tayo magiging tulad sa mga batang madaling matangay ng sari-saring aral. Hindi na tayo maililigaw ng mga taong ang hangad ay dalhin tayo sa kamalian sa pamamagitan ng kanilang katusuhan at panlilinlang.”
Alam kasi Ng mga apostol na marami na sa kanilang mismong panahon ang nangangaral Ng mali at kontra sa aral na ipinapangaral ng
IGLESIA na itinayo ni Cristo. Kaya kailangan tayo ay manatili at panghawakan ang aral ng nagiisang iglesiang ito. Huwag gumawa ng iyong sariling iglesia at sasabihin mong ito ang iglesia ni Cristo. Alam din ni Cristo na kahit sa ating panahon ngayon ay madaming mga bulaan propeta at mangangaral (Mateo 24:3-5,10-11)
Mateo 24:4 Sumagot si Jesus, “Mag-ingat kayo upang hindi kayo mailigaw ninuman!
Mateo 24:5 Maraming paparito sa pangalan ko at magpapanggap na sila ang Cristo, at marami silang maililigaw.
Mateo 24:10 at dahil dito'y marami ang tatalikod sa kanilang pananampalataya. Mapopoot sila at magtataksil sa isa't isa.
Mateo 24:11 Marami ang magpapanggap na propeta at ililigaw ang mga tao.”
Kaya po dapat tayo ay maingat at hindi basta basta maniwala kung sino sinong mga “sugo” daw pero self-proclaimed o self-appointed lang naman, baka tayo ay mabiktima pa.
Kung Bakit ka naniniwala sa Biblia bilang Salita ng Dios ay NAKABATAY sa otoridad ng iglesia na itinayo ni Cristo bilang tagapagturo ng katotohanan. Siya ang nagdefine, naglimit at nagcanonised kung alin mga kasulatan ang inspired. Wala po sa texto ng Biblia kung alin ang mga inspired writings. Ang Iglesia din na ito ang nagsabi na ang mga iba pang kasulatan ay hindi inspired writings. Kaya kung naniniwala ka sa lahat Ng mga kasulatan na nasa Biblia bilang Salita Ng Dios ay kailangan tanggapin mo na ito nga Ang IGLESIA ni Cristo.
Kung ikaw ay naniniwala sa pangako ni Cristo, sa IGLESIA na tatag ni Cristo at sa Biblia, aba dapat maniwala ka sa LAHAT Ng aral Ng IGLESIA na ito, hindi yong bunga ng kathang isip ni Felix Manalo, o ni Soriano, o ni Quiboloy o iyong SARILING opinion lamang. Tandaan na tayo ay dapat maging kaanib sa nag iisang iglesia na ito dahil ito ang nag iisang katawan ni Cristo. Huwag makigaya sa mga nalinlang Ng mapanlinlang Ng espiritu ni Satanas na naninira sa itinayong Iglesia Ng ATING Panginoon.
Alam natin at tanggap na ang mga ministro ng INC ay laging “gumagamit” ng mga talata as “proof text” sa kanilang paniniwala. Gumagamit din sila ng mga references. Subalit kagaya ni Satanas na gumamit din ng Scriptures, ang mga INC ministers ay binabaluktot ang katotohanan GAMIT ANG SALITA ng Dios. Hindi po paramihan ng talatang ginagamit ang criterion ng katotohanan. Ang malinaw na guide para hindi tayo mawala ay ang IGLESIA na itinayo ni Cristo noong AD 33 na unang una ay siya ang nagbibigay sa atin ng Biblia. Kung ikaw ay isang pari na na humahanga sa ministro sa kanilang laging paggamit, dapat gawin at kung maari ay higitan mo pa sila. Magpa Bible study ka rin araw araw kung gusto mo.
Yong extreme control ng INC sa kanilang mga miembro ay sinyales po ito ng pagiging isang kulto. Kung minsan tayo ay naiingit dahil halos sila ay solido sa kanilang mga hakbang. Nakakaenganyong tignan pero halos sila na ay nagmimistulan mga robot na na walang kalayaan at dinidiktahan na lamang. Ang ATING relasyon sa Dios ay kailangan libre at bukal sa puso dahil ganyan ang hanap Ng Dios. Walang tunay na pag ibig sa mga napipilit o kaya ay tinatakot lamang.
PS:
Fr Romeo Lopez know that we are praying for your return. I have personally entrusted you to the sacred heart of Jesus. May the Holy Spirit enlighten your thoughts and your way. God bless po. Urayen mi ti panagsublim iti maymaysa ken napudpundno nga iglesia ni Cristo- isu ti IGLESIA KATOLIKA. Amen!
This blog from:
Bro. Winnie Ibe
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento