Huwebes, Mayo 19, 2022

Gov. Tamayo, ayaw pirmahan ang pinagtibay na ordinansa ng SP para sa open pit mining

Gov. Tamayo, ayaw pirmahan ang pinagtibay na ordinansa ng SP para sa open pit mining


KORONADAL CITY - Tiniyak ni South Cotabato Gov. Reynaldo Jun Tamayo Jr., na hindi nito lalagdaan ang pinagtibay na ordinansa ng Sangguniang Panalalawigan na magbibigay ng pahintulot sa Open Pit Mining sa lalawigan ng South Cotabato.


Ginawa ng gobernador ang katiyakan kasabay ng kanilang pagpupulong ni Marbel Bishop Allan Casicas, Huwebes ng umaga sa loob ng kapitolyo. 


Ayon kay Governor Tamayo, bagama't hindi pa nito natanggap ang kopya ng pinagtibay na ordinansa ng SP, may tatlo syang pagpipilian na maaring gawin sa naturang isyu. 


Una ang paglagda sa ordinansa, pangalawa hindi lumagda at pangatlo ang pag veto. 


Sa tatlo aniyang pagpipilian, ngayon pa lamang ay tiniyak nito na hindi sya lalagda sa ordinansa. 


Sa ngayon, agad na bumuo ang gobernodor ng Technical Working Group (TWG) upang magsagwa ng pag-aaral sa isyu at magsumite ng rekomendasyon para pagbabatayan ng kanyang desisyon. 


Nabatid na sumugod kaninang umaga sa harap ng kapitolyo ang ilang residente at mga anti-mining groups upang ipanawagan kay Governor Tamayo na i-veto ang naging desisyon ng SP na amyendahan ang ordinansa ng Environment Code ng South Cotabato partikular ang pag-lift ng Open Pit Mining Ban sa lalawigan. 


Magugunitang unanimous ang naging desisyon ng SP mula sa 10 miyembro na dumalo sa kanilang isinagawang session noong Mayo 16, 2022. 


Kabilang sa bumoto pabor sa Open Pit mining sa South Cotabato ay sina:


1. Board Member Larry De Pedro VI

2. Board Member Dardanilo Dar

3. IP Representative Edgar Sambog

4. Board Member Noel Escobillo

5. Board Member Antonio Fungan

6. Board Member Alaisa Marie Fale

7. Board Member Eamon Mati

8. Board Member Henry Ladot  

9. Board Member Rolando Malabuyoc

10. Board Member Rose Grace Achura 


Mula nang bomoto pabor sa Open Pit Mining ang 10 mambabatas, umani ito nang batikos mula sa mga mamamayan ng South Cotabato, mula sa iba't ibang sektor ng lipunan lalo na sa sektor ng simbahan Katolika.


Source : TopGun Radio 106. 5 Koronadal City

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Headline Features

THE SPLENDOR OF THE CHURCH – DIOCESE OF MARBEL POSITION REGARDING ON THE PLANNING OF MAGUAD FAMILY FOR PLANNING FOR THE REFORMING OF JUVENILE JUSTICE LAW & REVIVAL OF THE DEATH PENALTY

  THE SPLENDOR OF THE CHURCH – DIOCESE OF MARBEL POSITION REGARDING ON THE PLANNING OF MAGUAD FAMILY FOR PLANNING FOR THE REFORMING OF JUVEN...