Miyerkules, Disyembre 8, 2021

Sagot ng Patutsada ng Christian Church Fellowship International ng GenSan ukol sa pagtalakay sa sinasabi na 'Faith Alone' na kinondena ng Catholic Faith Defenders ang mga katuruang ito.

Sagot ng Patutsada ng Christian Church Fellowship International ng GenSan ukol sa pagtalakay sa sinasabi na 'Faith Alone' na kinondena ng Catholic Faith Defenders ang mga katuruang ito.  

Ni: Bro. NiƱo G.

    Sinisiyasat ko ang video ng CCFI na may pamagat na pinamagataang ‘Saved by Grace and Growing by Grace’. Kung napapansin natin ay ginagamit nila kadalasan ang sitas ng Biblia sa talatang Efeso 2:8-9 na pamilyar ito sa turong Faith Alone o tanging pananampalataya lamang at mayroon silang formula sa kanilang pagtuturo, kung titingnan ninyo ang video na iyon ay ganito, CHRIST+(fill in the blank) ay magiging false gospel daw na tugmang-tugma sa kanilang ginagamit na sitas ng Biblia sa talatang Efeso kapitulo 2 bersikulo 8 hanggang 9. Halimbawa na lang, sa formula na ito ay ganito ang kanilang paglalahad, CHRIST+ (Good Works) = is a false gospel o katagang sinabi ng mga Born Again na “Good Works won’t save you” , isa pa rito CHRIST+ (Religion) = is a false gospel, o katagang sinabi ni Pastor Joel Jumalon na aniya, “Religion ay gawa ng tao”, o kasingkahulugan na pangungusap na “Religion won’t save you”. Ngunit ito ay pang-aatake sa ating Inang Simbahan at sa tunay na Simbahan ni Kristo ang Simbahang Katolika sa ibabaw ng pinakapunong pinuno na si San Pedro.
     
       Ito ay kadalasan na ginagamit ng Born Again ang ganitong katuruan ukol mismo sa Faith Alone. Kung naririnig niyo itong linyang ito ay kanilang sinabi , “Tinatanggap mo ba si Jesus as your personal savior? Sumampalataya ka at ligtas ka na! ” ay ito ay tinatawag sa katuruang “Faith Alone”. Ayon sa kasaysayan mula sa pananaliksik natin sa Internet at sa lahat ng mga reliable sources, ang katuruang Faith Alone ay ito ay matagal na panahon na, at ito ay imbentong aral  ni Martin Luther noong panahon ng Repormasyon taong 1517, ang Faith Alone na ito kabilang ito sa 95 Theses na layunin daw ang pagbabalik-loob nila sa Diyos at sa planong panunuligsa nila sa Simbahan na tunay na tatag ni Hesu-Kristo ang Simbahang Katolika, subalit ang totoong Kristiyanismo mismo ay ang Simbahang Katolika mismo at hindi po sa mga Born Again at sa mga nagsulputang mga 44,000 na mga sektang Protestante at sa sikat na Christian Church Fellowship International ng GenSan.

    Ayon sa kanilang Facebook Page, itinatag ang Christian Church Fellowship International noong 1990 at napadpad sa GenSan taong 2011, (hindi po ito insaktong taon kung kailan ito itinatag sa GenSan at ito ay batay lamang sa paglikha ng kanilang Facebook page) na pinamumunuan ni Pastor na ngayon ay Obispo na si Joel Jumalon at pansamatalang kasamang pinangasiwaan mismo sa kasalukuyan ng The Word For Everyone Ministries International, Inc. (Simbahan mismo ni Manny Pacquiao).
  
    Ating babalikan ang kanilang katuruan ukol mismo sa Faith Alone ay isa itong malaking pagkakamali. May sapat na ba na patunay na hindi na ba kailangan ng mabubuting gawa maliban ba sa sitas ng Efeso 2: 8-9? Kung susuriin ay katulad din sila ng Iglesia na tatag ni Felix Manalo paputol-putol ang sitas ng Biblia at wala sa katuruang interpretasyon kung ano po ba ang totoong interpretation hinggil dito. Halimbawa ginagamit ng mga Iglesiya ni Felix Manalo ang Biblia at Reperensiya na pinapatunay mismo na pinaratangan ng Iglesiya ni Manalo ang Simbahang Katolika hinggil sa Iglesiyang natalikod ngunit mali pala ang kanilang interpretasyon hinggil diyan. Ganyan din ang mga CCFI at ng mga sektang nagsulputang Protestante pinuputol-putol ang sitas ng Biblia na hindi seryosohin ang kanilang binabasa at ang pagkakaintindi ng ganitong sitas sa Biblia hinggil diyan sa kanilang katuruan, iyan ang sinasabi ni St. Jerome na “Ignorance of the Bible, is the Ignorance of Christ”.  Ngunit nakatutok na lamang sila sa Efeso 2:8-9. 
    
    Ipagpapatuloy natin ang pagbabasa ng Biblia at ituloy natin sa sulat ni San Pablo sa mga taga-Efeso kapitulo 2 bersikulo 10 at aniya , “Sapagkat tayo’y nilalang ng Diyos; nilikha sa pamamagitan ni Cristo Jesus upang iukol natin ang ating buhay sa paggawa ng mabuti. Iyan ang layuning pinili ng Diyos para sa atin noong una pa man ” (Efeso 2:10 Magandang Balita Biblia). Napakalinaw po ang sinasabi, “…iukol natin ang ating buhay sa paggawa ng mabuti,” o ilalaan natin ang ating sarili sa paggawa ng mabuti. Napakalinaw po, wala po sinabi si Kristo na hindi kailangan ng Good Works upang maligtas tayo, mahalaga po ang mabubuting gawa sa atin bilang isang Kristiyano dahil turo ito ni Kristo batay sa binasang Ebanghelyo na titingnan ninyo batay sa turo ni Kristo. Yung sinasabi nila na “hindi kailangan ng Good Works para ma-save” ay isang malaking KASINUNGALINGAN. Bukod dito may iba pang mga bersikulo na nagpapatunay na may mabubuting gawa na pinakita ni Kristo, kagaya ng ginawa ni Kristo sa pagpapakain ng 5,000 ka tao  (Mateo 13:15-21) ay ito’y nagpapakita ng mabubuting gawa. Sino ba ang magpapatunay na hindi na kailangan ng gawa? Eh, pinapatunayan mismo na wala po talagang sinabi si Kristo na sinasabi ng mga Born Again na , “hindi talaga makapagligtas ang mabubuting gawa”, wala po talaga. Ang sinabi mismo ni Kristo ay gumawa tayo ng mabuti. Padagdag pa sa mga sitas ng Biblia ang iba pang mga sinasabi ni San Pablo sa Efeso. “Mga kapatid, ano ang mapapala ng isang tao kung sabihin man niyang siya’y may pananampalataya, ngunit hindi naman niya ito pinapatunayan sa gawa? Maililigtas ba siya ng ganoong uri ng pananampalataya?” (Efeso 2:14 MBB) at padagdag pa, “Isa kang hangal! Nais mo pa bang patunayan ko sa iyo na walang kabuluhan ang pananampalatayang walang kasamang gawa?” (Efeso 2:20 MBB) napakadelikado sa mga nagtuturo ng doktrinang Faith Alone, may patunay po ba na ano ang mapapala ng isang tao kung sabihin man niyang siya’y may pananampalataya, ngunit hindi naman niya ito pinapatunayan sa gawa? Maililigtas ba siya ng ganoong uri ng pananampalataya? Ngunit, yung sinasabi pa nila na, “Good Works won’t save you” ay isang malaking KASUPALPALAN sa mga katuruan ng ating pananampalataya, at sila mismo ay may kahangalan sa mga doktrina nila at sa mga katuruan mismo ni Kristo na hindi naman turo ni Kristo. At dagdagan natin ang mga sitas ng Biblia upang matameme sila sa mga doktrina na tinuturo nila. “You see that a person is considered righteous by what they do and not by faith alone.” (James 2:24 NIV) and  … faith without works is dead.” (James 2:26 NABRE) Napakalinaw po, patay po talaga ang walang gawa.Halimbawa na lang, nadiagnose ang tatay mo ng lung cancer tapos sabi ng doktor, kapag hindi maagapan ang iyong kanser sa baga ay maari mo itong ikamatay. Ganyan din po ang sinabi sa sulat ni Santiago 2:26. Kaya po mahalaga ang mabubuting gawa para sa atin dahil ito ay tinitingnan ng Diyos kung ano ang ginagawa natin at napakadelikado po ang kanilang katuruan. Faith Alone is dangerous

    Bukod sa Good Works ay isa sa pinuntirya ni Bishop Joel Jumalon ng CCFI na aniya, “Religion ay gawa ng tao” o kasingkahulugan ng “Religion won’t save you”, ay atin namang sasagutin ang mga sinasabi ng mga Sekta. diretsahan ang ating sagot dito. Kapag sinabi nating Religion ay mula sa salitang Latin na “RELIGARE” ay nangangahulugang reconnect o relationship, iyan po ang ibig sabihin ng Religion. Yung pinopost ng mga CCFI na #LifeConnect ang tanong Life Connect saan? Life Connect kay God or kay Christ? Sa totoo lang kung Life Connect kay God at kay Christ ay yun po ay tawag na Religion yung sinabi nila na religion ay gawa ng tao ay isa itong kaipokritohan sa kanilang mga paratang sa Simbahang Katolika. Ipagpapatuloy natin ang pagbabasa ng sitas ng Biblia sa sulat ni Santiago, “Religion that is pure and undefiled before God and the Father is this: to visit orphans and widows in their affliction, and to keep oneself unstained from the world.(James 1:27) o sa wikang Filipino, “Ang pagiging relihiyoso na dalisay at walang dungis sa harap ng ating Diyos at Ama ay ang pagtulong sa mga ulila at sa mga biyuda sa kanilang kahirapan, at pag-iingat sa sarili upang huwag mahawa sa kasamaan ng mundong ito.” (Sanitago 1:27 Magandang Balita Biblia). Malinaw po, ang relihiyon ay walang dungis at dalisay. Hindi mo masasabing relasyon sa Dios ang ginagawa mo kung hindi mo kinikilala ang itinatag nya. - One Holy Catholic Apostolic Church. (Matthew 16:18) Oo ito'y iglesia o simbahan na tatag ni Cristo, hindi tatag ng bulaang Sugo. At hindi mo mauunawaan ang lahat patungkol sa Dios kung hindi tunay ang religion mo dahil wala silang susi o authority - the doctrines and dogmas. (Matthew 16:19). Alam mo kung bakit? Dahil mas naniwala ka sa Heresy ng sekta na tatag ng ordinaryong tao na self proclaimed Christ/Sugo (Matthew 24:5-11). Patungkol sa RELIHIYON;  Isakatuparan sa ating buhay ang natututunan natin tungkol sa mga tungkulin na dapat nating ibalik para sa Diyos, tungkol sa Kanyang mga utos at nais. Ang demonyo ay may kaalaman sa Diyos, ngunit wala siyang relihiyon.Ang paniniwala ay hindi isang bagay ng pakiramdam; ito ay usapin ng kalooban at ng aksyon. Ito ay paglilingkod sa Diyos. Kung hindi ka demonyo, alam mo kung paano magkakaroon ng relasyon sa Dios sa paraan ng itinatag Niya. Maniwala sa lahat ng mga katotohanang inihayag ng Diyos. Sa relihiyon natututo tayo tungkol sa Diyos at sa Kanyang mga pagiging perpekto. Nalaman natin kung ano ang tama at kung ano ang mali. Nalaman natin ang tungkol sa hinaharap na inihanda Niya para sa atin.  Kung walang Relihiyong Kristiyanong Katoliko, walang Bibliya.Kung walang Bibliya, wala tayong Kaalaman at Relasyon sa Dios. Ang Christianity ay isang Abrahamic monotheistic religion  na bumabase patungkol sa buhay at mga turo ni Jesus Christ.  Ang Christianity ay hindi tayo inilalayo sa Dios kundi ito ay ating koneksyon kay Jesus sa paraan ng itinatag nyang Simbahan [Facebook: (Pro Deo Et Ecclesia)]. Pero alin ang hindi maliligtas? Sa totoo lang ang hindi maliligtas ay yung mga 44,000 na mga sekta na nagsulputan sa mundo at yung mga sektang nagsulputan sa Pilipinas na nakaregister sa Securities and Exchange Commission. 

    Malinaw para sa lahat na hindi po totoo ang sinasabi ng mga sekta na nagsulputan sa mundo at ang lahat ng mga katuruan nila na hinggil nito na tanging pananampalataya lamang ang maligtas at hindi na kailangan ng Good Works at ng kung ano-ano ay isang malaking pagkakamaling katuruan ang nasaksihan at kasupalpalan ito sa mga turo ni Kristo. Ano ang dapat gawin upang maligtas tayo? Una sa lahat, mahalaga sa atin ang pagdarasal ng Santo Rosaryo, nakakatulong ito sa ating buhay na kung nasaan tayo at ang pangalawa ay araw-arawin o isagawa kada linggo ang pagdalo sa misa, dahil ang misa ang pinakatanyag na panalangin at pagsamba sa Diyos, at ito ay utos din ng Diyos na ilalaan natin ang ating ika-7 araw bilang pasasalamat sa Diyos. Pangatlo, gumawa ng mabuti, ito ang pinakamahalaga sa atin at sa buhay Kristiyano na pinagkaloob sa atin ng Diyos. At higit sa lahat, kung kaya mo ang sarili mo ay mangumpisal hangga’t kailangan sa buhay natin na nararapat natin ilaan ang oras sa ganitong gagawin, pagsisihan natin ang lahat ng ating mga kasalanan hangga’t naisin natin.

    Ang mga argumento sa naturang artikulong ito ay hindi pa tapos sa katunayan, may iba pa akong siyasatin ang naturang video na ito at dagdagan ang naturang argumento upang ipamulat sa lahat ang mga puna ng kaibayo sa pananampalataya.

     Nailahad na natin dito ang ating argumento laban sa sinasabi ng CCFI at marami kayong aral na matutunan dito. Ipagtanggol natin ang ating pananampalatayang Kristiyanong Katoliko laban sa mga sekta na nagsulputang mga Protestante at sumainyo ang katotohanan! 

Panoorin ang video na ito:

Referensya:

Maari pang magsaliksik ukol dito upang mas lalong palalimin ang pagbabasa at pagsisiyasat ukol sa pagtatanggol ng ating pananampalataya:


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Headline Features

THE SPLENDOR OF THE CHURCH – DIOCESE OF MARBEL POSITION REGARDING ON THE PLANNING OF MAGUAD FAMILY FOR PLANNING FOR THE REFORMING OF JUVENILE JUSTICE LAW & REVIVAL OF THE DEATH PENALTY

  THE SPLENDOR OF THE CHURCH – DIOCESE OF MARBEL POSITION REGARDING ON THE PLANNING OF MAGUAD FAMILY FOR PLANNING FOR THE REFORMING OF JUVEN...