Biyernes, Disyembre 10, 2021

PAG-INOM NG ALAK NG DI SOBRA MASAMA BA SA BIBLIA? By Randy Obusan

PAG INOM NG ALAK NG DI SOBRA MASAMA BA SA BIBLIA?

By: Bro. Randy Obusan
CFD Las Piñas and CFD Bicol

Sa Tradition ng Judeo-Christian, ang alak ay naging parte na ng Diet at maging ang mga ritual at ceremonyas.
Sa ilang parte ng mga Biblia ay makikita natin na may mga Tao na nagcosumed sa paginom ng alak para sa Celebration at maging sa Medical na dahilan. Pero may ilang mga Denomination ay tutol sa paginom ng alak.
Ang ating Simbahang Katolika ay nagsasabi na di bawal ang paginom ng alak at ito ay nag babawal sa sobra sobrang paginom ng alak.

CCC 2290
The virtue of temperance disposes us to avoid every kind of excess: the abuse of food, ALCOHOL, tobacco, or medicine. Those incur grave guilt who, by DRUNKENNESS or a love of speed, endanger their own and others’ safety on the road, at sea, or in the air.

(Kawikaan 31:6)
Bigyan mo ng matapang na inumin siya na handang manaw, at ng alak ang mapanglaw na loob.

(Deuteronomio 14:26)
At iyong gugulin ang salapi sa anomang nasain mo sa mga baka, o sa mga tupa, o sa alak, o sa matapang na inumin, o sa anomang nasain ng iyong kaluluwa: at iyong kakanin doon sa harap ng Panginoon mong Dios, at ikaw ay magagalak, ikaw at ang iyong sangbahayan;

(Ecclesiastes 9:7)
Yumaon ka ng iyong lakad, kumain ka ng iyong tinapay na may kagalakan, at uminom ka ng iyong alak na may masayang puso; sapagka’t tinanggap na ng Dios ang iyong mga gawa.

So. Kasalanan ba ang paginom lang ng Alak ng di Sobra?

May ilang tao sa biblia ang palainom ng alak.

(Genesis 9:20-21)
At nagpasimula si Noe na maging mangbubukid, at naglagay ng isang ubasan. At uminom ng alak at nalango; at siya’y nahubaran sa loob ng kaniyang tolda.

(Genesis 14:18)
At si Melquisedec, na hari sa Salem, ay naglabas ng tinapay at alak; at siya’y saserdote ng Kataastaasang Dios.

(Genesis 27:25)
Si Jacob dinalhan ng Alak si Isaac at sila’y uminom

(Lucas 7:34)
Naparito ang Anak ng tao na kumakain at umiinom; at inyong sinasabi, Narito ang isang matakaw na tao, at isang magiinum ng alak, isang kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan.

(Juan 2:7-10)
At ang unang Milagro ni Hesus sa Kasalan sa Cana ay ginawang Alak niya ang tapayan na may mga Tubig.

At si San Pablo pinayuhan si Timoteo na uminom rin ng Kaunting Alak.

(1 Timoteo 5:23)
Huwag kang uminom ng tubig lamang. Dahil sa iyong sikmura at madalas mong pagkakasakit, gumamit ka ng kaunting alak.

Ang Pinagbabawal lang ng Biblia ay ang Sobra-sobrang pag-inom ng Alak na naghahantong sa Paglalasing ng Sobra.

(Isaias 5:11)
Kawawa ang maaagang bumangon
na nagmamadali upang makipag-inuman;
inaabot sila ng hatinggabi hanggang sa malasing!

(1 Corinto 6:9-10)
Hindi ba ninyo alam na ang mga makasalanan ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos? Huwag ninyong dayain ang inyong sarili! Ang mga nakikiapid, sumasamba sa diyus-diyosan, nangangalunya, nakikipagtalik sa kapwa lalaki o kapwa babae, nagnanakaw, sakim, naglalasing, nanlalait ng kapwa, o nandaraya, ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos.

(Galacia 5:21)
Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios.

(Efeso 5:18)
Huwag kayong maglalasing, sapagkat sisirain lamang niyan ang inyong buhay. Sa halip ay dapat kayong mapuspos ng Espiritu.

(Roma 13:13)
Magsilakad tayong mahinhin, gaya ng sa araw; huwag sa katakawan at paglalasing, huwag sa kalibugan at sa kahalayan, huwag sa mga pagkakaalit at pagkakainggitan

Ecclesiastico 31:27-29
[27]Ang alak ay nagpapasigla sa buhay kapag ito’y ininom nang katamtaman. Ano ang sarap ng mabuhay kung walang alak? Ang alak ay nilikha upang magpaligaya sa tao.
[28]Kung ang alak ay iniinom nang napapanahon at nang katamtaman, ito ay nagpapaligaya sa puso at nagpapasigla ng kalooban.
[29]Ngunit sakit ng ulo, hirap ng loob at kahihiyan, ang dulot ng alak kapag ininom nang labis.

KUNG ATING MAPAPANSIN SA MGA NASABING TALATA SA BIBLIA AY GINAGABAYAN TAYO SA DI SOBRA-SOBRANG PAGINOM NG ALAK.
PERO ANG PAG-INOM MINSAN NG ALAK AY DI MASAMA ANG SOBRA-SOBRA LANG NA PAGLALASING ANG BAWAL.

GETS MO??

Reperensiya:

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Headline Features

THE SPLENDOR OF THE CHURCH – DIOCESE OF MARBEL POSITION REGARDING ON THE PLANNING OF MAGUAD FAMILY FOR PLANNING FOR THE REFORMING OF JUVENILE JUSTICE LAW & REVIVAL OF THE DEATH PENALTY

  THE SPLENDOR OF THE CHURCH – DIOCESE OF MARBEL POSITION REGARDING ON THE PLANNING OF MAGUAD FAMILY FOR PLANNING FOR THE REFORMING OF JUVEN...