Sasabihin siguro ng iba “Ay baka masyadong matapang ang mompo kaya kailangan ng tubig para di malasing si Father!” Isa lamang yan sa madalas nating marinig na explanation mula sa ibang tao.
Ngunit alam nyo ba na mayroong mas malalim na katuturan ito sa History at Teolohiya ng Simbahan?
Unahin natin ang History,
Noong panahon ng mga Unang Kristyano, napakamahal ng alak na gagamitin sa Misa. Wala silang magawa kundi bumili ng mga murang alak na kadalasan ay yaong mga mapapait na alak. Para mabawasan ang pait nito, hinahaluan ng mga pari noon ng tubig ang alak na ito. Sa paraang ito naipagdadaos ng mga Unang Kristyano ang Misa kahit sa ganitong paraan.
Sa mas malalim na explanation ng Teolohiya, sinisimbulo ng alak ang pagkaDiyos at tubig naman sa pagkaTao. Habang isinasalin ng pari ang tubig sa alak, sinisimbulo nito kung paano niyakap ni Hesus ang katauhan upang tayo ay makasama. Sa papaanong paraan natin maiisip na ang Diyos, sa Kanyang kadakilaan ay bumaba at nagpakaTao.
Kaya habang nasa misa opertoryo, mahalagang pagmasdan natin at alalahanin natin ang aral na ito upang mas magkaroon ng saysay ang ating pagsamba kay Hesus sa Banal na Sakramento. Amen
Reperensiya:
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento