Filipino
Ang blog na ito ay kapanahunan na kung saan ang organisasyon ng Catholic Faith Defenders sa Diyosesis ng Marbel ay hindi pa lumilitaw.
Gayunmpaman habang hinihintay ng mahabang pasensya ang pagkakatatag ng organisasyon ay naisipan ni Bro.Nino na magtayo ng isang blogsite sa bagong chapter lalong-lalo na sa ating Diyosesis sa Diyosesis ng Marbel, upang mailathala sa buong Diyosesis ng Marbel ang mga pinapakita sa naturang blog sa hakbang upang palalaguin ang ebanghelisasyon ng ating pananampalataya.
Sa kasamaang palad, nagdududa si Bro.Nino sa kanyang desisyon lalong-lalo na, na hindi niya masisismulan ang kanyang blog lalong-lalo na sa Facebook Page dahil ay kakaunti lamang ang napapansin sa naturang blogsite at sa mga social media. Sa katunayan, ay kulang na kulang ang pagpapalaganap ang social media sa local na lugar pati na ang Diyosesis ng Marbel, na dahil sa makabagong teknolohiya ay karamihan sa mga kabataan at ng mga tao ay nakasalalay sa social media at nakatutok na mismo sa makabagong teknolihiya. Higit pa riyan ang mga atake at ng mga paratang ng mga kaibayo sa pananampalatayang Katoliko ay hindi lamang ginagawa sa pisikal na lipunan kundi sa mundo panlipunang pangteknolohiya, datapwa't nararapat na balansehin ang lahat upang mas palakasin ang komunikasyon ng pagtatanggol sa pananampalataya sa pamamagitan ng mga talento at ng mga bagay na para sa ikabubuti ng lahat at sa ikabubuti ng ating kaluluwa, hindi pa riyan ang ebanghelisasyon ng pananampalataya ay hindi nasusukat sa aspetong pisikal lamang ng panlipunan kundi sa ibang paraan lalong-lalo na sa social media at social networking sites.
Ang main blog ng Splendor of the Church ay ginawa sa kapistahan ng Queenship of Mary taong ika-22 ng Agosto 2005 na pinamunuan ni Reberendo Padre Abe P. Arganiosa.
Sa abot ng labing -anim na taon ang nakalipas sa kapistahan ng Immaculada Conception ginawa ang bagong blog sa bagong Chapter ng Diyosesis ng Marbel taong ika-8 ng Disyembre ng 2021, kasagsagan ng pagtatapos ng selebrasyon ng ikalimang daang taong Kristiyanismo sa Pilipinas. Sa kasamaang palad, dalawang araw pagkatapos ginawa ang blog may isang trahedya ang nasaksihan at ginulantang ng buong Pilipinas at sa iilang sulok ng mundo, ang pagpaslang sa magkapatid na Maguad na kung saan na-feature ang isang blog ukol sa usap-usapan sa pagbuhay at pagbabalik ng parusang kamatayan dahil sa naturang pangyayari, na kung saan tinututulan ito ng Simbahang Katoliko ang naturang parusang kamatayan.
Ang layunin ng blog na ito ay upang isiwalat ang ating pagtatanggol ng ating Inang Simbahan laban sa mga kaaway ng Simbahan. Itong website na ito ay para sa mga nasasakupan ng Diocese of Marbel upang palawakin ang ebanghelisasyon ng ating pananampalataya. At maipalaganap na ito sa mga non-believers lalong-lalo na sa mga hindi Katoliko na upang sasagutin ang mga paratang o mga sinasabi na may kinalaman sa Simbahang Katoliko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento