Sabado, Marso 16, 2024

SIDELINE?

 Bro. Nino Gaton

    Limang daang taon na ang nakalipas ng ipinalaganap ang Kristiyanismo sa Pilipinas noong 2021, at naging tagumpay ang misyong ipinagkaloob ng mga misyonero sa ating bansa. Sa kabila nito, maraming isyu ang kinakaharap ng Simbahan na sa ngayon ay patuloy pa rin ito magpahanggang ngayon, sa katunayan noong 1991 ay nagkaroon ng Ikalawang Konsilyo Plenaryo sa Pilipinas upang mapag-usapan ang responsibilidad ng Simbahang Katoliko sa Pilipinas ang mga suliranin na pinag-uusapan at binigyan ng mga hakbang o plano upang mas mapalawak at mapalalim ang pananampalatayang Katoliko. Sa kabalintunaan, may tanong na aking tatanungin patungkol dito, "natupad ba ang hangarin ng PCP II makalipas ang tatlong dekada?" 

    Ang kalagayan ng Simbahang Katoliko ay marami pa ring suliranin na kinakaharap makalipas ang limang daang taon; una sa lahat, sa mga far-flung areas , ay malayo pa rin ang kanilang Parokya o Kapilya na maari nilang dadaluhan ng banal na misa na hindi maabutan ang pinakamalapit na Simbahan sa kanilang lugar na kung saan ay sila ay maapektuhan ng mga pundamentalista o mga kaaway ng Simbahan na sumama sa kanilang bagong tatag na Simbahan na mas lalong pinagdududahan ang kalagayan ng Simbahang Katoliko sa Pilipinas.

    Sa Diyosesis ng Marbel, ay hindi gaano lumalakas ang pagpapalaganap ng ebanghelisasyon dahil ang Basic Ecclesial Communities ang pinananaig at mga Ministriya ng Simbahan ang kanilang mas prayoridad ng Diocese. Samakatuwid, halos kakaunti lamang na sa halip religious organizations ang tawag sa mga organisasyon ng Simbahan ay dapat tawaging Catholic lay organization na mas lalong mapalawak misyon sa mga mananampalatayang Katoliko na hangad namin ang pagbabago sa Obispo ng Marbel na mas mainam na palawakin pa rin ang ebanghelisasyon at misyon na pinagkaloob ni Kristo para sa kapakanan ng mga mananampalataya, maitanong din sa mga Marbeleño ng taga-Diocese of Marbel, "Kung pinakamahalaga sa Diocese ang mga ministriya o prayoridad ang Basic Ecclesial Communities, malaking tanong ang aking maitatanong, sapat nga ba ang ginagawa ninyo sa mahal kong Diocese upang mapalawak ang pananampalatayang Katoliko?"

    Ikukumpara natin sa pamahalaan ukol sa problema na dapat harapin ng gobyerno sa tingin ko may iilan na tinutugunan ng gobyerno ang pangangailangan ng mamamayan. Samakatuwid, ang iilan ay hindi rin sapat na saan ay masasabi rin natin na dahil sa bilang ng populasyon ng ating bansa. Bukod dito, ang civil society groups ay may mahalagang papel na ginagampanan ng sambayanan upang matugunan ang pangangailangan ng bawat Pilipino sa adbokasiya na pinagkaloob para sa kabutihang panlahat ng bawat Pilipino. Sa Diyosesis ng Marbel ay mas lalong hindi sapat na matugunan ng simbahan ang mga gawain na makabubuti sa mga mananampalatayang Katoliko, kung maghahari ang mga ministriya o mga Basic Ecclesial Communities ng Simbahan. Ito rin ang panawagan ko kay Bishop Cerilo Casicas ng Marbel kung mababasa man itong artikulo nawa'y ang aking panawagan ay sana baguhin sana ang ating Diyosesis sa isang transpormasyong makatutulong ang Catholic lay organizations sa misyon na pinagkaloob ni Kristo alang-alang sa mga mananampalatayang Katoliko.

    Sa kabilang banda, isa sa layunin ng PCP II ang adbokasiya lalo na sa Katesismo at Apolohetika na isa sa mga pinupunto sa naturang artikulo na aking tinututukan. Ayon sa Ikalawang Konsilyo Plenaryo ng Pilipinas sa Acts # 222, ay nakasaad na, "Faced with these realities, there is need of widespread catechesis and apologetics. We need not apologize for apologetic catechesis. Since its bird Christianity has been subject to attacks from which has had to defend itself, Jesus had to answer objection to His teachings, as the Gospels testify, St. Paul had t answer early Christian errors, and charged his disciple to protect the faithful from them while keeping pur the deposit of faith." Apologetics has always been part of the pastoral and theological tradition of the Church. We must today be willing and able to defense our teachings in public fora, and we need to equip the faithful so that they can defend their faith." Samakatuwid, maraming mga kinakailangang paraan upang gawin ang mga nararapat na gawin upang mapatibay ang pananampalatayang Katoliko - higit na riyan ang pagkakatatag ng organisasyon na makatutulong hindi lamang makikinig o binabasa ang mga turo ng Simbahang Katoliko o Katesismo at Apolohetika, kundi ay dapat matulungan ang mga nauuhaw sa katotohanan na palalimin ang kanilang pananampalatayang Katoliko na saan tinatawag tayo bilang katuwang na pagkapari ni Kristo.

    Sa katunayan, ang organisasyon ng Catholic Faith Defenders na pinamunuan ni Atty. Melquiades S. Caumeran, Sr. - ay isa sa mga organisasyon na magpahanggang ngayon ay nananatiling naitatag upang ipagpapatuloy ang misyon ng pagpapaliwanag at pagtatanggol sa pananampalatayang Katoliko. Subalit, ika nila malawak na ang Catholic Faith Defenders sa buong bansa at sa buong mundo, ngunit sa kasamaang palad, may nakikita rin ako ng problema. Noong 2023 ay iprinisenta ang istratehiyang mapa ng Catholic Faith Defenders na saan ay akmang-akma sa Constitutional and By-Laws ng organisasyon, sa Artikulo III, Section 3 ng Constitutional and By-Laws ng organisasyon ay nakasaad, "The application for membership shall be made in writing on a form provided for the purpose and shall be filed with the parochial chapters where the applicant is actually residing." Sa madaling sabi, ay ibig sabihin ay ang membership kung  ay dapat magsisimula sa pagkakatatag ng Parochial Chapter kung saan siya nakatira ngunit kahit nakatira ako sa isang lugar ay hindi ako nababatay diyan ang basehan ng pagkakasapi ng organisasyon dahil kung saan ako nakatira ngunit malaking tanong ng Catholic Faith Defenders lalo na sa mga Board of Governors na pinamunuan ni Bro. Ryan Mejillano at ang dating Pangulong Ramon Gitamondoc. Dahil nga ni katiting na dapat sundin ang nakasaad sa Constitutional and By-Laws ng organisasyon ay masasabi natin na sapat na ito upang palawakin ang organisasyon ng Catholic Faith Defenders na ang misyon ay maipaliwanag at maipagtanggol ang pananampalatayang Katoliko na kung saan ako ay naghahangad na maging kasapi ng organisasyon? 

    Sa aking pananaliksik tingnan natin ang mga Parokya sa Pilipinas na sa tala ng istatistik na nasa libro ng PCP II ay noong 1953 ay 1,301 na mga Parokya sa Pilipinas; samakatuwid, makaraan ng tatlumpu't anim na taon sa taong 1989 ay tumaas ang bilang ng mga Parokya ng 2,192, sa tatlumpu't anim na taon hanggang 1989 ay ang kabuuang dagdag na estimasyon ng naitayong mga Parokya ay umabot sa 891 at sa kasalukuyan ay patuloy itong nadagdagan ayon sa Union of Catholic Asia News ay sa kasalukuyan ay umaabot sa 3,393 na mga Parokya sa Pilipinas. Sa kabuuang estimasyon ng nadagdagan ang mga Parokya sa Pilipinas na umaabot sa 1,203 na mga Parokya sa Pilipinas sa kasalukuyan kumpara sa 1989. Ganyan dapat ang mga parokya na inaasahan na maitayo na mga Parochial Chapter ng Catholic Faith Defenders. Halos matagal mula nang naitayo ang Catholic Faith Defenders sa pamumuno ni Atty. Mel Caumeran ay kakaunti pa lamang ang iilang naitayo na mga Parokya bilang Parochial o Lokal Chapter sa naturang organisasyon. Hindi rin sapat ang ginawa nina Bro. Ramon Gitamondoc at ni Bro. Ryan Mejillano ang pagkakatatag ng Parochial Chapter dahil sa laki ng bilang ng mga Parokya sa Pilipinas. At halos ang mga pangalan ng chapters sa hindi naging ispesipiko ang istruktura at lalo na anong klaseng chapter ang kanilang itinatag at walang nakalagay sa Constitutional and By-Laws na magtatag ng isang Local Chapter na batay sa istruktura ng Local Government Unit ng Pilipinas ito ay - Probinsya, Munisipalidad at Lungsod, at Barangay.

    Hindi rin sapat ang kanilang mga ginagawa na saan ang paghahangad ng pagkakaroon sa amin ng Diocesan Chapter na saan nakasaad din na magsisimula dapat sa Parochial Chapter na saan halos nasa isang libo ang estimasyon ng Parokya sa Pilipinas. Minadali lamang ang proseso ng strategic plan o mapa na walang konsultasyon sa lahat kahit mga miyembro ng organisasyon o naghahangad na maging miyembro ng organisasyon na hindi nakasisiguro kung ano ang nararapat na mas alternatibong solusyon upang mas masisiguro na maitatag talaga ang mga chapters ng Catholic Faith Defenders sa buong Pilipinas sa mga Diyosesis at mga Parokya.

    Naalala ko ang political drama na ang pamagat ay "Bayan Ko" kung saan sa unang araw ng panunungkulan ni Joseph Santiago ay ang Bayan ng Lagros ay halos maraming problema na kinakaharap ng kanilang bayan na isa sa mga isyu na kinakaharap ay ang sistema ng pamamalakad ng gobyerno, ang kalusugan ng mamamayan ng Lagros, ang imprastraktura, ang sistema ng edukasyon, at ang kalikasan, na kung saan naghahari ang Gobernador ng Civilano na si Gov. Antonio Rubio, Sr., halos hindi na masikmura ang kalagayan ng Probinsiya ng Civilano at ng Bayan ng Lagros sa mga kinakaharap na mga isyu ng kanilang komunidad. Isa rin dito sa mga isyu na kinakaharap ang pamumuhay ng pamilyang Rubio na kung saan tinitingnan ng bawat mamamayan ang ginagawang pamumuhay at ang kinakaharap na isyu sa pagkasangkot ni Gov. Rubio ng iligal na pagtotroso, na saan napakamarangya ang kanilang pamumuhay. Si Joseph Santiago naman ay isang simpleng mamamayan at anak ng isang yumaong mamamahayag na si Ernesto Santiago na binaril ng di kilalang salarin na dahil na rin sa walang takot niyang isiniwalat ang katotohanan ukol sa illegal logging. 

    Ang napanood na drama ng "Bayan Ko" ay ito ang pumukaw ng atensyon sa mga iilang public servant na nagpamalas ng pagiging produktibo na inuuna ang kapakanan ng lahat bago ang kanilang interes. Ang Alkalde ng Bayan ng Narra, Palawan na si Gerandy Danao ay isa sa mga naging inspirasyon na kahit isang simpleng mamamayan at hindi isang propesyunal o mayaman o may kaya at kahit wala man pera ang kanyang ginagawa lalo na sa kanyang kampanya ay nagpapatuloy pa rin ang kanyang kampanya kahit may suporta ng mamamayan alang-alang sa paghahangad ng mamamayan ang pagbabago na inaasahan sa kaunlaran ng kanilang bayan. Si Konsehal Arnel Garces ng Lipa sa Batangas ay isang sepulturero at nahalal bilang konsehal ng kanilang lungsod na tunay na nagpamalas ng kanilang dedikasyon na hindi hadlang ang kanilang katayuan sa buhay upang magsilbi sa komunidad, bayan at sa organisasyon, basta iba ang pinili ng mamamayan na ang mahalaga ay maabot ang kanilang serbisyo publiko sa mga komunidad. Si Mayor Vico Sotto ng Pasig ay inuuna niya ang kapakanan ng Pasigueño lalo na sa pangangailangan ng kanilang lungsod at sa inaasahan na pagbabago sa kanilang lungsod na saan lumalago ang Pasig sa aktibong tugon na nararamdaman at nararapat maabot ng mga Pasigueño na ang lahat ng ito ay ang mahalaga ay magtutulungan ang bawat isa sa ikauunlad ng kanilang lungsod. Ganito dapat ang mga lingkod ng organisasyon dapat inuuna nila ang kapakanan ng komunidad. 

    Nakakalungkot isipin na iilan sa mga nahalal na mga National Board of Governors ay mga propesyonal ngunit ang mga ginagawang mga patakaran at pagpapatakbo ng organisasyon at sa responsibilidad na ginagawa lalo na ang pagkakasapi ng organisasyon na layong matulungan ang Simbahan sa pagpapalago ng misyon ni Kristo ay walang kaakibat na pagbabago o mga hakbang kahit sa ginagawa ng administrasyong Mejillano ang stratehiya na mapa at plano ng Catholic Faith Defenders sa gawain at layunin sa kapakanan ng Simbahan ay malabo at kailangan dinggin ang boses ng bawat miyembro at ng naghahangad na maging bahagi ng organisasyon upang paglingkuran ang sambahayan ng Simbahan sa tatahakin na maisakatuparan ang hangarin ng PCP II at ng Simbahan.

    Ikumpara natin ang mga Senador ng ating bansa halos sina-sideline nila ang pagiging Senator dahil ginagamit din bilang negosyo at lalo na sa mga National Board of Governors ng Catholic Faith Defenders ay sina-sideline nila dahil sa kanilang pagtutok sa kanilang mga trabaho at paminsan-minsan din silang nagtitipon kahit bisperas ng National Convention at ng mga pagpupulong ngunit balak ko sana na pakinggan ang aming rekomendasyon o mga saloobin upang mapalago at mapabago ang inaasahan ng organisasyon at sa misyon ng Simbahan. Ito ang hamon sa mga miyembro ng Catholic Faith Defenders na dapat maghalal sila ng isang kandidato na buong-buo ang kanilang paglilingkod at malinaw nawa sana ang kanilang tinatahak na layunin para sa kapakanan ng Simbahan. 

    Sabi pa nga ni Bro. Eric Romero, "bisan pa ug diocesan chapter ang itukod kung naay issues ang CFD diha dili gihapon magprosper dapat iresolve gihapon, dapat naay spiritual director na ituboy ang Obispo", ngunit ito ang aking ibabato sa kanya, ang masasabi ko ay kinakailangan pa rin na maresolba ang issue ukol dito ngunit ang kulang na lang ay ang estadistikang plano kung paano natin mapag-usapan kahit sa Obispo at sa kahit sinong tao na na-involve sa isyung kinakaharap ng Diyosesis ngunit samakatuwid but I will criticize Bro. Eric for the objective na huwag pa ring hadlangan ang paghahangad ng pagkakaroon ng Diocesan Chapter  ngunit itutuloy ko pa rin ang aking hangarin para sa kinabukasan ng Simbahang Katoliko.

    Iiwanan ko ang maraming katanungan sa lahat ng mga miyembro ng Catholic Faith Defenders na itinatag ni Atty. Mel Caumeran na kayo ang nagluklok sa mga Board of Governors. "Ang istratehiyang mapa o plano ay makabubuti ba sa organisasyon?" "Ang nakasaad ba sa Constitutional and By-Laws ay sapat ba ito para sa kapakanan ng Simbahan?"

    Ito ang aking mga suhestiyon para sa pagsasakatuparan ng kapakanan ng organisasyon ng Catholic Faith Defenders ay ang mga sumusunod - (1) Suriin at mareporma ang Constitutional and By-Laws ng Catholic Faith Defenders - Nais namin mareporma ang Constitutional and By-Laws sa Artikulo III, Section 3 at iba pang probisyon ng kanilang konstitusyon na ang nilalaman dapat ay ang pagsumite ng Application o kahit ano ay dapat may dalawang pagpipilian kahit ikaw ay magtatag ng Diocesan o Parochial Chapter batay na hindi po dapat kung saan siya nakatira, dapat ang malaking suhestiyon na inaasahan namin ay ang ito ay batay sa pangangailangan ng bawat nanaisin na maging miyembro. (2) - Ukol sa Endorsement o Recognition ng Obispo. - Kung ang Obispo ay wala pang tugon ukol sa kalagayan ng pagkakatatag ng Diocesan Chapteral organization ay dapat maitatag pa rin ang Diocesan Chapteral organization sa layunin na uunahin ang istruktura ng organisasyon at dapat ay nasa pangangalaga pa rin ng Catholic Faith Defenders ng Pilipinas, lalong-lalo na sa pagkakatatag ng mga Parokya bilang Parochial Chapter sa buong Parokya sa Pilipinas. (3) - Dapat direktang maitatag ang Diocesan Chapteral Organization at hindi Parochial Chapter (kung ang kanyang hinangad ay para lamang sa kanyang Parokya lamang; kung hindi Parokya, kung Diocese ang kanyang nanaisin dapat Diocesan Chapter) kailangang maitatag ang Diocesan Chapter dahil dapat sa kanila dapat ibigay ang responsibilidad lalo na sa mga naghahangad na maging bahagi ng chapteral organisasyon na ito at paghahatiin ang libu-libong Parokya sa Pilipinas batay sa populasyon ng kani-kanilang mga Diocese ngunit dapat may kalahating responsibilidad ang Catholic Faith Defenders sa National Office na pinamunuan ni Bro. Ryan Mejillano at ang National Office at ang Board of Governors ay dapat ding magpadala ng kinatawan ng miyembro ng Catholic Faith Defenders sa iba't-ibang chapter sa Pilipinas maging kahit malapit na CFD Chapters upang maisakatuparan ang paghahangad ng mga Diocesan Chapters na makumpleto dapat ang mga Parochial Chapters sa buong bansa. (4) - Ang mga mission stations ay hindi kuwalipikado bilang isang Parochial Chapter sa halip ay dapat nasa ilalim ng hurisdiksiyon ng Diocesan Chapters. Ginawa ang mission stations sa mga pangangailangan ng Diocese sa mga far-flung areas na malayo sa Simbahan at lalo na ang mga katutubong Pilipino 

    Ang layunin ng adhikain sa naturang artikulo na ito ay upang mapakinggan ang aking saloobin sa lahat ng mga miyembro ng Catholic Faith Defenders na pinamunuan ni Atty. Melquiades S. Caumeran Sr., at sa kasalukuyang pinuno na si Bro. Ryan Mejillano, na ako'y nakikitaan ng mga maraming problema at suliranin sa organisasyon ng Catholic Faith Defenders na dapat nilang tutukan bago nila dapat gawin ang kung ano-anong istratehiyang plano o mapa na makabubuti sa organisasyon. At sa mga mission stations na sakop ng kanilang Diocesan Chapter ay dapat magtatag ng istrukturang chapteral para sa mga mission stations na tatawaging Diocesan Territorial Chapteral Missionaries upang matulungan ang mga mananampalataya na nasa malalayong lugar sa pagsasakatuparan na maabot ang layunin ng organisasyon sa pagpapalaganap ng misyon ni Kristo sa malalayong lugar at sa Simbahang Katoliko na pamumunuan ng Gobernador-Heneral na itinalaga ng Diocesan President ng organisasyon.

    Nawa'y sa lahat ng miyembro ng Catholic Faith Defenders ay dapat kalampagin ang kanilang desisyon at alamin ang suliranin ng problema ng organisasyon lalo na ang nahihirapan sa paghahangad na maging bahagi ng organisasyon. Ito ang hamon na dapat harapin ng bawat miyembro ng Catholic Faith Defenders.


    Marbel Is Not Yet Lost!

Headline Features

THE SPLENDOR OF THE CHURCH – DIOCESE OF MARBEL POSITION REGARDING ON THE PLANNING OF MAGUAD FAMILY FOR PLANNING FOR THE REFORMING OF JUVENILE JUSTICE LAW & REVIVAL OF THE DEATH PENALTY

  THE SPLENDOR OF THE CHURCH – DIOCESE OF MARBEL POSITION REGARDING ON THE PLANNING OF MAGUAD FAMILY FOR PLANNING FOR THE REFORMING OF JUVEN...